- nigel wrote:
i
Sir,
Aliw po ako sa paanak mong ibon.
Marami na po kasi akong nakita at naobserbahan na ganiyang kulay ng ibon sa mga aviary ng mga breeder na napuntahan ko. At sa tingin ko po o sapantaha ko ay recessive trait. Dahil iyong pagka pied niya madalas ko pong nakikita o naobserbahan sa noo lang lumalabas. Kapag green series may dilaw sa noo at kapag po sa par blue series may puti sa noo.
Una po akong namangha ng makakita po ako doon sa isang kaibon din. Green series nga lamang po iyong sa kaniya. Dilaw po ang primaries at may yellow spot po sa noo. Ang magulang po ay katulad po ng paresan mo. Walang bahid ng pagka pied o walang indikasyon na pied at parehong split fallow.
Iyong sa akin po ay base lamang po sa obserbasyon at impormasyon ng mga napagtanungan ko o nakitaan ko ng may ganiyang kulay na paanak. Ngunit wala po akong nalakap na matibay na ebidensiya na recessive nga po ang ganiyang itsura o mutasyon.
Kaya natutuwa po akong makakita muli ng ganiyang itsura ng ibon. Sana po ay maparami mo at matukoy po ang totoong genetic makeup.
Rupert